Sunday, October 18, 2009

My Ondoy Experience (Part 1)

September 25, 2009 - Friday

1:00pm
umalis ako sa bahay ng madaming dala. damit, longsleeves, leather shoes, printer, at delata. mag oovernight kasi ako sa bahay ng kaklase ko. maghahanda kami para sa defense namin kinabukasan. ito na yun! yung DEFENSE NG SSD! kumbaga sa laro, kakalaban ka na ng mga boss. ito na yung final episode ng laro pero bago yun, kailangan mo muna ng madaming experience points para lumakas ka. yon ang gagawin namin. magpapa-level up!

4:00pm
edit dito, edit doon. may laptop naman kaming dala pero napilitan pa din kami magrent sa computer shop para mapabilis. 7 kasi kami sa grupo, 5 kami nasa school para gawin ang programming ng system at 2 para mag document. pagkatapos ng 2 oras sa computer shop ay ginabi na kami, pagkalabas namin ay malakas na ang ulan. wala kaming payong at sumugod kami sa ulan. nakabalik kami sa office ng basang basa. pagkatapos ng matinding preperation para sa defense, nagpasya na kami umuwi.

8:00pm
malakas pa din ang ulan nung pauwi na kami. ang dala ko pang bag nun eh yung blue bag (parang green bag sa SM na may zipper) saka printer. di ko alam kung san ko isisiksik yung mga gamit ko pero sa kabutihang palad ay nakauwi din kami kina JC. di namin alam kung hihinto na ang ulan. bumili kami ng mga pagkain para sa gabing yon kasi madami pa kaming gagawin. sakto may 50pesos na natira sa pera ko. sakto para sa pamasahe. pagkatapos kasi ng defense ay uuwi na ko at magpapahinga.

3:00am
natulog na kami. umuulan pa din.

oonga pala, ako ay isang I.T. student na nag-aaral sa PUP. ika 4th year ko na at ito ang isa sa mga pinakamatinding hamon bilang isang estudyante.


September 26, 2009 - Saturday


6:00am
pagkagising namin, nag-almusal na kami. malakas pa din ang ulan. buti na lang ay hindi pa baha kina JC, nakabihis na kami ng pormal at sumugod sa malakas na ulan kahit na mababasa kami. pagpunta namin ng school ay medyo humina naman, pero pag akyat namin.. bastos, BIGLANG LUMAKAS.

8:00 - Oras ng Defense
wala pa ang mga panel. pero nung mag 8:30am na, nandiyan na sila. hindi ko na ikukuwento kung ano ang nangyari sa defense namin.

10:30am
tapos na ang defense. para kaming nasa impyerno nun, at ginigisa, parang pinaparusahan. alam kong bagsak kami, kasi kinain nila kami ng buhay. wala akong masabi, wala akong madinig kundi malakas na ulan. medyo natuwa ako nang lumapit sa akin ang kaklase ko at binigay ang sahod sa paluwagan. kasali kasi ako sa paluwagan, buti na lang dumating siya. 900 pesos ang nakuha kong sahod. kulang pa. pero ok na din. may tago akong pera. pambili ng mga nasa wishlist. :)

1:00pm
malakas pa din ang ulan, hindi kami makauwi kasi lalo kaming mababasa pag sumugod kami. kaya nagpalipas na lang kami muna ng hapon sa office kasama yung mga kaklase kong nagbantay sa defense namin at yung mga professor sa IT. Wala kami magawa, nag-gala kami sa main building at ang picture sa kaliwa ang tumambad sa amin. Sa dami dami ng bagyong nagdaan sa apat na taon kong nag-aaral sa PUP, ngayon ko lang naranasan to.

nakatambay pa din kami sa office pero nagpaalam na yung mga professors namin. sabi nila dun nalang kami sa 2nd floor kasi madami din na-stranded dun. uuwi na daw sila, malapit lang kasi bahay nila sa school.


nagtext ako sa mga tao sa bahay at kinakamusta ko kung ano lagay nila dun. sabi ng kapatid ko na ok naman sila, hanggang bewang daw ang baha sa labas pero di naman pinasok ang bahay namin. pagkatapos ng 20minuto ay nagtext ulit siya.. "NATUMBA YUNG PADER SA LIKOD..", kinabahan ako. baka kasi pumasok yung tubig sa bahay. nag antay pa ko ng ilang minuto pero di na siya nagreply. at lobat na ako.

2:00pm
kakain na ako ng tanghalian, dun lang kasi ako nagkaron ng gana. nung bumababa na kami, laking gulat namin kasi ang taas na ng tubig sa may canteen. nakita namin na naglilinis na sila ng mga paninda at balak na atang magsara. pero maaga pa. alas-dos pa lang ng hapon nun. nakabili din ako ng tanghalian at nakakain. nung umakyat kami, nun na lang namin napansin na napapalibutan na kami ng tubig. yung main building, parang titanic na napapaligiran ng tubig. naglakad-lakad pa kami at nakita na namin ang katotohanan. mga kotseng lubog sa baha, mga nagkalat na basura, mga motor na nakatumba, mga estudyanteng bumabalik sa paaralan gawa ng hindi sila makauwi dahil walang masakyan at sobrang taas ng tubig. yung iba bumabalik dahil mas ligtas pa daw sa school kesa sa sm sta.mesa na lubog na ang basement.


3:00pm
pinababa na kami ng security guards ng school sa 2ndfloor para maipon daw ang mga estudyante at para sabay sabay daw kaming magugutom at mamamatay. joke lang hehe. nag stay muna kami dun hanggang medyo humina na ang ulan. pero.. baha pa din sa school. kasama din namin ang ibang kaklase. kumain ulit kami, nag kwentuhan, nagdota (may dala kasi laptop si kenneth), nag psp (kay jc) at nagkuwentuhan ulit. hanggang sa abutan na kami ng brownout. nakatulog ako, mag aalas-singko na pala. at hindi pa din tumitigil ang ulan. baha pa din.

magkakasabay kami lumabas ng school. kasama ko umuwi si Kenneth, PM namin, Project Manager, sa Antipolo kasi siya, swerte niya mataas sa kanila at walang baha. nung papalabas na kami ng campus, may mga nakasalubong kaming mga empleyado ng school, 3 sila. pinigilan kami kasi daw hindi kami makakauwi at baha daw sa v.mapa, sabi namin na sa v.mapa lang naman yan, sumagot agad yung isang ale, sabi niya taga Angono daw siya at baka kinabukasan na siya umuwi. pero di pa din kami nagpapigil, kailangan na talagang umuwi at makapagpahinga.

5:00pm
R. Magsaysay Blvd., Manila
Nasa sakayan na kami, pero sa sakayan, wala namang masasakyan. nilakad namin hanggang kanto, nag abang ng bus, pero walang dumaang bus. nag tricycle na kami.. papuntang pureza. alam namin na mataas na ang tubig pero uwing uwi na talaga kami. nag tricycle nga kami, pero hanggang dun lang sa kaya ng tricycle kasi pag tumuloy pa si manong, baka bubong nalang ng tricycle nya yung makita. P10 ang bayad, na dating P7 pesos. malapit. baha. madaya si manong. sana sinabi nalang samin na maglakad kami ng 50 hakbang at makikita na namin ang baha. tapos nun sumakay naman kami ng kariton, mga 10 tao ang kasya tapos 10 din ang magtutulak. 1st time ko sumakay ng ganun, nakikita ko ang sarili ko na pinapanuod ng maraming tao sa TV Patrol o sa 24 Oras. para kasing nasa TV yung sitwasyon dun, madaming tao na may dalang tabo na nanghihingi ng barya pag pinasakay ka nila sa karion nila, airbed o sa pedicab (sa bubong nga lang). nakakatakot din dun kasi pag mag magkamali lang ng tapak dun sa kahoy, masisira yung kariton. o pag naglokohan yung mga nagtutulak at nagkapikunan, di na nila kami itutulak. may chance pa na itumba nila kami. pero di naman nangyari. pagbaba namin ng pureza station, nakahinga na kami ng maluwag luwag.

5:20pm
LRT Pureza Station
walang ilaw sa station. brownout. puro tao. nag aabang ng masasakyang kariton. yung iba matapang na lumusong. bigla din sinara yung station saglit kasi brownout nga at andami pang tao. mag aalas-sais na kami nakaakyat ng station. doon lang kasi sila nagpapasok ng tao. parang may stampede na naganap kasi yung iba gusto na sigurong makauwi. ako gusto ko na talagang umuwi, kasi siguradong mataas na tubig baha sa Taytay.

Pag-akyat namin, sira ang makina na kumakain ng tiket at nagpapapasok sayo para makaakyat sa platform ng station. Kaya ang ginawa ng mga opisyal ng LRT2, bibili ng ticket sa kanila, dun mismo sa may aktayan ng hagdan tapos ay ibibigay sa bantay kung saang station ka bababa.

6:00pm
LRT Pureza Station
Nakasakay na kami sa train. madaming tao. siksikan. yung iba, basa, putikan, walang tsinelas o sapatos. Nagtataka kami kung bakit sila naka yapak, siguro hassle pa magsapatos kasi mababasa din lang naman. Peaceful sa loob ng tren. parang walang nagaganap sa labas. nagkakagulo lang yung mga tao kapag nakakakita ng mataas na baha. gaya ng dumaan yung train sa sm sta. mesa, nadinig ko na sabi ng lalake "grabe pinasok ng baha yung basement ng mall, dami naglulutangang mga groceries at pagkain.. sayang". naisip ko na kung sa Maynila, ganun na agad kataas ang baha, pano pa samin sa Taytay? umulan lang ng malakas sa loob ng 2 oras anggang hita na ang baha dun. pano pa tong bagyong to? mahigit kalahating araw na umuulan. di kaya lubog na bahay namin?

medyo nakalayo kami ng sentro ng Maynila, nasa may bandang Cubao na kami at parang walang nangyari. sabi ko sa kasama ko na may masasakyan naman kami pagdating ng Santolan, kasi ganun talaga ka-grabe bumaha sa Maynila lalo na pag malakas ang ulan. Sa wakas, makakauwi na din..

6:20pm
LRT Santolan
"arriving at santolan station, paparating na sa santolan station.." malapit na kami, tanaw ko ang sm marikina, parang walang ilaw, brownout pa din siguro, wala din gumagalaw na mga sasakyan sa marcos bridge. siguro sobrang traffic lang kasi sobrang lakas ng ulan. pero pagdating ng santolan station, may liwanag na, sa wakas at makakauwi na.

pagbaba namin ng train, syempre madaming tao, mahaba yung pila, kasi sobrang daming nakasakay sa train at walang machine para kumuha ng ticket kaya mga staff ng lrta yung kumukuha. madaming tao sa station, pakiramdam ko na-stranded na kami. sabi ko kay kenneth na lumabas na kami sa sakayan baka may masakyan na pero pagsilip ko sa labas, wala akong makita, madilim tapos may babaeng pumasok ulit, may mga dalang bata, sabi ng guwardiya sa kanila na dun na lang magpalipas ng gabi hangga't baha pa.. ANO DAW? BAHA? sinilip ko yung labas at napamura ako sa gulat. baha nga. nag suggest ako na lumusong sa baha kasi nakita ko na hanggang tyan ng babae yung tubig, baka kaya namin yung current. sabi ko baka sa bandang papuntang sta.lucia di na baha pero pinigil kami nung guwardiya. wag na daw kami mag attempt lumusong. baka daw bumalik kami dun kasi suko kami sa lakas ng tubig o bumalik kami dun dahil bangkay na kami.

dumadami na ng dumadami yung mga tao. sabi ko kain muna kami. kaso nung bibili na kami sa tindahan ng siomai, sabi nung tindera wala na daw. kaya gulaman nalang binili namin at sa ibang tindahan nalang kami bibili. tinignan namin yung ibang tindahan, may shawarma pa pero konti nalang, kung pipila pa kami sa mahabang pila ng shawarma siguro busog na yung nasa harap ng pila bago pa kami masabihan ng tindera na "ay ser ubos na po.." kaya sabi ko mag donut nalang kami kaso wala din, walang pizza, walang burger kahit yung mga kakanin wala.. nagtagal kami dun ng mga kalahating oras hanggang sa naisip ko na mag-iba na kami ng daan. nung una ayaw pa ni kenneth na bumalik sa cubao kasi daw mas lalayo pa. sabi ko, "sige ppunta ako ng cubao tapos dito ka lang, tapos pag nakauwi na ko tetex kita.. haha" natawa nalang kami.

bumili ulit kami ng ticket. babalik kami ng cubao. baka sakaling may masakyan..

7:00pm
LRT Santolan - Train
nasa lrt na ulit kami, sa train. madami pa din tao nun kahit gabi na pero sa mga pangkaraniwang araw ay hindi yun napupuno ng ganun. nakatayo lang kami nang may lumapit samin na lalake. walang tsinelas. tinanong kami kung saan pupunta at makikisabay daw siya. nung tinanong namin siya kung bakit wala siyang tsinelas, sabi niya "naku, galing ako sa ospital. inanod ako hanggang sa may tulay. nawalan ako ng malay. buti na lang may mga rescue diyan na nakita ako tapos dinala ako sa ospital. kanina pa kong tanghali dito, naiwan na ako ng amo ko.. inanod na din yung tsinelas ko, may mababait namang tao na nagbigay sakin ng pamasahe..", naawa kami sa lalake. sabi namin hanap nalang siya ng makakasabay papunta sa recto kasi hanggang cubao lang kami. nung paparating na sa cubao yung train, nag ngitian nalang kami ng kuya at nagpaalam na kami sa kanya..

7:10pm
LRT2 Cubao - Gateway Mall Cubao
nasa cubao na kami, pagdating namin dun mahaba ulit yung pila pero atleast mas safe kami dun kasi may mga mall na pwedeng tambayan at mabilhan ng pagkain, buti na lang at sumahod ako sa paluwagan ng 900pesos kung hindi, 50pesos nalang natira sa pera ko.

pagdating ng gateway mall, madami pa din tao pero mas madaming estudyante. may mga ust, ue, feu, san beda at pup. yung iba kumakain, yung iba tumatawag sa payphone. sabi ko kay kenneth na tawag muna kami sa bahay para sabihin na nastranded kami kasi baha, na sabihin sa pamiya namin na hahanap kami ng paraan para makauwi, na sabihin sa pamilya namin na ayos naman kami, na kamustahin ang pamiya namin kasi may bagyo at sabihin sa pamiya namin na kinain kami ng mga panel sa defense..

pumila kami sa payphone, buti may barya. nung ako na yung tatawag, busy ang linya. tinitignan ko din si kenneth habang tumatawag, mukhang di maka contact sa kanila. lobatt na din ang cellphone ko, 2 araw na kasing walang charge. hiniram ko ang cellphone ni kenneth para makisaksak ng SIM card. kinuha ko lahat ng cell number ng mga tao sa bahay para tawagan. nagtataka lang ako kung bakit walang pumipila dun sa kabilang telepono kaya dun ako pumila. nung susubukan ko ng tumawag, kinain lahat ng barya ko. nakngputa. kinalog ko yung telepono. maya maya ay may mga nahulog na barya. 10pesos lang ang hinulog ko at 35pesos na barya ang nahulog. tinanong ko sa ate as likod ko kung kanya yun, hindi daw. ayos may barya na ako pandagdag pantawag hihihi.

nacontact ko din kapatid ko. tinanong ko agad kung baha pa samin, sabi niya wala na daw. nawala daw agad. tapos nakausap ko ang mommy ko, sabi ko na di kami makauwi kasi baha yung mga daanan pauwi. sabi ko buti na lang may pera ako pang gastos kaya wag sila mag alala.


7:40pm
Gateway - Payphone
nakatawag na ako. si kenneth nakatawag na din. ok din naman daw ang pamilya niya. napansin namin na medyo konti nalang ang tao kaya kumain na kami. sobrang dami ang kinain namin sa KFC kasi gutom na kami kakalakad at kakabiyahe. habang kumakain ay nang iispot kami ng mga babaeng biniyayaan ng kagandahan. yung mga babaeng "imbalance" , kung sa dota, yung mga IMBA. kaya nageenjoy talaga kami kumain at maghanap ng IMBA. pero tama na muna si girl IMBA. gusto na talaga namin makauwi. sabi ni kenneth na sumakay na kami ng jeep pero naisip ko, baha nga sa santolan eh, pano dadan yung jeep dun? suggest ko na punta kami sa megamall, sa ortigas. siguro walang baha dun.
oonga!

8:10pm
MRT Cubao Station
umalis na kami ng gateway. pumunta ng MRT station sa cubao. habang nagche-check ng bag, nakita ng lady guard yung bag ni kenneth na may dalang laptop, sabi nung guard na ingatan nya yung dala nya. nakita din yung bag ko, kinuha nya yung mga wrapper ng chichirya at yung plastic cup na pinag inuman namin ng gulaman at tinapon hehe. sumakay na kami hanggang sa shaw station. habang nasa MRT kami, hindi bakas sa EDSA ang paghagupit ng malakas na ulan. wala nga kaming nadaanang baha eh, kaya may pag-asa pa siguro na makakauwi kami ng gabing yon. paparating na sa Shaw ang tren. madami din tao ang kasabay naming bumaba, mga galing din siguro ng cuba na galing ng santolan hehe.

8:20pm
MRT Shaw Station to SM Megamall
pagdating namin ng shaw station, bumaba agad kami papuntang megamall. dun kami nakakita ng mga taong nakapila, pero mukhang wala namang inaantay. reklamo ng mga pasahero dun na alas-4 pa daw sila ng hapon nag aantay ng masasakyang FX pauwi ng antipolo, taytay, binangonan at angono pero wala pa din dumadating. sabi ng barker ng FX e baka daw na traffic ang mga sasakyan, kasi baha daw siguro sa ibang daan.
di kami nawalan ng pag-asa. sabi ko, may isa pang daan. dun kami sasakay sa ortigas. magbu-bus kami. madami siguro jeep dun. lakad ulit kami mula megamall hanggang ortigas.


http://www.qcpubliclibrary.org/images/shrine1.gif
8:50pm
Ortigas Center
nakarating na kami ng ortigas. una, dun kami pumunta sa terminal ng FX. may mga nakasakay, pero walang sign board kung san ito pupunta. sabi ko kay kenneth baka biyaheng langit yun haha. nagpahinga muna kami, nagkape muna kami sa Mini Stop. habang nagkakape kami, di namin maiwasan pag-usapan yung nakaraang defense. natawa na lang kami kasi may dalawang baklang tumabi samin, yung isa kamukha pa ni Chokoleit at umiinom ng hot chocolate na tumitingin ng mga magazine na may mga machong lalake. tawa kami ng tawa paglabas ng Mini Stop. hahaha BAKLA!

9:30pm
Robinsons Galleria
tumambay na kami sa bus stop sa tapat ng robinsons galleria. nag abang ng bus. nagkuwentuhan. nag baka-sakali na may dumaang bus na magsasakay samin hanggang sa abutin na kami ng hating gabi..

11:00pm
Robinsons Galleria pa din
wala pa din dumadaan na bus. umupo na lang kami sa basang sahig ng bus stop. narinig namin yung pag-uusap ng isang manong at yung kausap niya sa telepono..

Manong: "naku, kanina pa ko nag aabang ng bus dito pero walang dumadaan.."
Kausap: "shhh shhh sh hshshshs"
Manong: "ANO? BAHA SA JUNCTION?!"
Kausap: "shhs hhoo"
Manong: "tangina hanggang dibdib? e kamusta naman kayo diyan?"
Kausap: "shhutrr ospspssss hshhshhrrhpha "
Manong: "ah. mabuti naman pala lagay niyo dyan. sasakay nalang ako papuntang Rosario para magkita tayo, bye"

totoo ba yung narinig namin? baha sa junction? hanggang dibdib pa? kaya siguro walang dumadaang bus, baha na kasi sa Pureza kanina tapos baha pa sa Junction. na stranded na siguro yung mga bus. nawalan na kami ng pag-asa makauwi. sa lahat pa ng babahain, e yung mga dinadaanan pa namin para makauwi. leche. nawasak na nga sa defense kanina, nawasak pa ngayong gabi. sabi ko mag abang na lang kami ng jeep sa may meralco. baka may dumaan dun na jeep o fx pero sa iba dadaan. iiwas sa baha.

11:20pm
Ortigas Ave
dumaan muna kami ng McDo sa Emerald, sabi ko kay kenneth na yung girlfriend ng kabanda ko, nakatira dun sa condo dito sa Ortigas. sabi ko baka pwede tayo makituloy muna, pero bigla akong inatake ng hiya. sabi ko na wag nalang, nakakahiya nga naman na pupunta kami sa napakagandang condominuim na ganun ang itsura namin. baka mandiri pa samin yung mga nakatira dun.

11:40pm
Meralco cor. Ortigas Ave.
wala pa din kami masakyan. may mga dumadaan ngang jeep kaso puno naman, pano naman kami makakasakay dun e ang laki namin pareho. sabi ko balik na lang kami sa crossing, sa EDSA central. baka mas madaming jeep dun at dun talaga yung sakayan pauwi samin.

naglakad na kami ulit pabalik ng crossing. from pasig, tumawid kami papuntang mandaluyong ng naglalakad. dumaan sa metrowalk, sa matataas na building, sa megamall at sa EDSA.
nakarating na kami sa EDSA central kaso ni isang jeep walang sumalubong samin. pero di pa din ako nawalan ng pag-asa, sabi ni kenneth meron din isa pang sakayan ng jeep, dun naman sa park lea, sa kabilang side.nag-abang nanaman kami ng jeep na bibiyahe papuntang taytay, angono, binangonan o tanay pero wala pa din. sabi ko try namin mag taxi, at nag abang na kami ng taxi, buti talaga may pera.. at walang taxi.

12:00am
balik sa EDSA central
nagyaya ako kumain ng midnight snack. buti nalang talaga may pera ako nun. pagpasok namin ng 7-11 madami din mga nakatambay sa loob, may mga dalang bag. di lang pala bag.. malalaking bag, kahon, sako at kung ano ano pang mga bagahe. paglabas ng 7-11 pupunta sana ulit kami ng park lea, pero nakita namin na madaming stranded sa lugar na yun. mga galing sa trabaho, galing probinsiya at galing sa school. kaya umupo muna kami, nagpalipas ng oras. may nakatabi pa kami na isang pamilya, may bitbit na 8months na bata. sabi nila na galing pa sila ng pampanga, uuwi sila sa taytay. sabi ko taga dun ako, di ako makauwi at baha sa junction pero di sila nawalan ng pag-asa. naghanap pa din sila ng taxi hanggang sa pinasakay na sila ng taxi. sa iba siguro dadaan yung taxi o baka ihahatid lang sila sa pinakamalapit na lugar papuntang taytay na walang baha..

12:30am
sa labas ng Chowking, EDSA Central
nakatulog pala ako. nakapagpahinga kahit 30minutes. sabi ko kay kenneth na bumalik kami sa park lea, baka may magsakay samin dun. ayun, nag antay pa din kami ng taxi kung may magsasakay samin kaso ang laging banat nila "BAHA SA JUNCTION", "TAS NG TUBIG DUN!", "NAKU HANGGANG BAYWANG ANG BAHA DUN!" at "MAGKANO BABAYAD NYO?!" nag abang din kami ng jeep na masasakyan, pero wala din, kung meron man, puno na o hindi nagsasakay kasi HANGGANG BAYWANG ANG BAHA SA JUNCTION!

3:00am
Park Lea
tinamad na kami mag abang ng masasakyan, talagang STRANDED na kami. walang masakyan, may masasakyan pero di nagpapasakay. nagpunta na kami ng park lea pero wala pa din masakyan na jeep. madaming taxi ang dumadaan pero lahat di din nagpapasakay. ginawa namin, nagpunta na lang kami sa ilalim ng overpass, nagpahinga, pinagmasdan yung mga taong wala din masakyan, tapos.. natulog..

6:00am
nauna ako nagising dahil sa ingay ng tao. at lalo silang dumami. nakatagpo ang mga kapwa ko nastranded ng spot kung saan may MASASAKYAN at may mabibiling pagkain. dun kasi sa santolan, nagkaubusan na ng pagkain (kaya kami pumunta sa cubao), tapos dun naman sa cubao wala masyadong tinda (pano puro mall yung nandun, sarado na) kaya kami napadpad sa crossing (PANG MASA). ginising ko na si kenneth na mahimbing na natutulog yakap-yakap ang laptop bag nya na may lamang laptop. sabi nya wag daw akong maingay na may laptop na laman yun kasi baka daw manakaw pero tinanong ko agad kung low-batt na yung... LAPTOP!!!!!!!

6:30am
Boni, EDSA
kumain kami sa pinakamalapit na carinderia sa edsa na malapit na sa boni. di ko nagustuhan yung pagkain pero naubos ko naman, matatae nga ako eh. pagkakain namin, tumawag ulit ako sa bahay pero out of service pa din daw sabi ni ateng operator ng PLDT. nag-aaalala pa din ako sa mga tao sa bahay kahit na wala ng baha samin. gusto ko din makausap mama ko para ibalita na stranded pa din kami. sabi ko kay kenneth na pumunta na kami ng megamall para makapila agad sa sakayan ng fx kung may fx na dadaan at magpapasakay. aantayin din namin magbukas yung mall para makapag CR, maghugas, maka-tae at maka-wiwi.

7:00am
SM Megamall (3rd time)
nasa megamall na kami, sakto wala ngang tao. talaga palang walang tao dun kasi mga na-stranded din at nasa crossing na, saka sinong tanga ang pipila dun ng gantong oras. umupo kami, natulog, nag-isip, at nakatulog ulit...

pa-gising gising ako kasi baka may dumating na fx saka para mabantayan din yung laptop ni kenneth pero wala pa din fx na dumadating sa terminal at wala pa ding magnanakaw na nagtatangka sa laptop ni kenneth.

9:00am
nagising ako. sakto may fx na dumaan. madami na din kaming nakapila. sakto lang para mapuno yung fx. sa harap ako sumakay, sa harap din dapat sasakay si kenneth kaso di na kami kasya, mataba kami pareho kaya sa likod nalang siya umupo. katabi ko sa harap ay isang Atenista. na stranded din daw siya, galing pa daw siyang Ateneo (MALAMANG) tapos mataas din daw tubig sa katipunan at marcos hi-way.. umandar na yung fx, sa wakas nakaranas din makasakay ulit sa sasakyan. mula nung hapon na na-stranded kami e puro tren ang sinakyan namin. pakiramdam ko makakauwi na kami kasi di na traffic
, ang luwag ng daan, maaliwalas ang panahon saka umaga na, baka wala na din yung baha sa juction o kung saan man may baha. nadaanan namin yung mga lugar na nilakad namin, sa ortigas, sa megamall, sa jula vargas at sa meralco avenue. tinawanan ko nalang yung mga dinaanan namin kasi di na kami stranded, nakasakay na kami sa FX! pagdating ng e. rodriguez / I.P.I. cor ortigas ave. biglang napamura yung driver kasi biglang nag traffic, sa c5 kami ngayon dumaan, dun sa papuntang eastwood. ok naman kasi makaka-gala pa kami bago makauwi, roadtrip muna si manong sa may eastwood. dumaan kami sa mga binagyong lugar, sabi nung driver na mataas din ang baha dun at puro putik. pagkalipas ng ilang bahay na nadaanan, ito ang tumambad samin. yung picture sa kaliwa.

pagdating namin ng bandang pasig area, kitang kita ang mga putik na naiwan ng pag-uulan, grabe na din yung traffic dun kasi di alam ng mga driver kung san sila dadaan, ayaw ata maputikan yung gulong ng sasakyan nila. takte, sa panahon na ganyan yung nangyayari, wag na sila mag inarte.. lalo na at buhay ang nakasalalay.





9:30am
Rosario, Pasig
mabilis lang ang byahe, yun pala hanggang sa rosario, pasig na lang yung fx, di na makasingit kasi madaming bus ang naka-park sa buong ortigas avenue. madami din tao ang nakaupo lang, nagpapalamig sa bus, yung ibang bus walang aircon, ubos na ata ang gas. bumaba na kami ng fx, nagbayad ng P25. ayos yung raket ni kuya, may instant 25pesos sya agad eh parang 4 na kilometro lang ang tinahak namin. pero ok lang, atleast naka-usad kami kahit papano.
nilakad na namin, madaming bus, akala namin makakasakay kami pero pinigilan agad kami nung kunduktor. akala namin pwede sumakay tapos magpapalamig lang sa loob hehe. naglakad pa kami papunta sa may floodway bridge, lalong dumadami ang tao at sasakyan. nilagyan na rin ng harang para di na makapasok yung ibang sasakyan sa may tramo, pasig. baka kasi bumigay yung bridge sa dami ng tao at sasakyan.

10:00am
Floodway Bridge, Pasig
habang papalapit kami sa dulo ng tulay, padami ng padami ang tao. yung iba bumabalik. may umiiyak. may nagtitinda ng pagkain. may nakaupo lang. nagulat kami ng ito ang tumambad samin.

baha na kulay chocolate. mga taong hanggang dibdib ang baha (kung matangkad ka hanggand dibdib mo), mga taong basang basa, mga taong may bitbit na bata, mga taong nirerescure ng mga rescure team at mmda, mga lumulusong papunta sa bridge at meron din mga lumulusong pauwi sa kanila. di namin alam kung kailan mawawala yung baha pero narinig namin sa mga taga doon at sa mga na-stranded na hanggang dibdib pa din daw ang baha mula pa nung sabado ng hapon kaya kahit mga bus at malalaking truck ay takot na dumaan at baka tumirik pa sila. di namin alam ang gagawin namin. umupo na lang kami sa may bangketa. nagdasal. nag-usap. nagugutom.


11:00am
Floodway Bridge, Pasig
nakaupo pa din kami. nagdidilim na nga lang yung langit. nung nagpunta kasi kami dun, maaraw. tapos biglang buhos ang malakas na ulan. wala kaming pakialam kung mabasa kami kasi buhay namin ang nakasalalay. nag payong na lang ulit kami. di namin matawagan mga pamilya namin, walang network coverage. wala din kuryente dun sa lugar na yun. sarado din yung ibang tindahan. ang pwede lang namin mapagbilhan ay yung mga nagtitinda sa tabi tabi ng mga chichirya, softdrinks, yosi at mga tinapay. kung yun lang ang kakainin namin, baka manghina kami. pareho kasi kaming malaking tao ni kenneth kaya gusto namin.. KANIN!

wala kaming magawa. nag libot lang kami sa lugar kung saan marami tao din ang di alam kung saan pupunta. tumayo na kami sa pwesto namin kasi mainit. may mga media din na nag aayos ng kanilang mga camera. baka makuhanan pa kami. lumabas sa TV at pagtawanan ng mga kaibigang mayayaman na nagpapasarap lang sa bahay nilang mataas at FLOOD FREE.

lumipat kami ng pwesto. gusto namin maki-usyoso sa kung anong meron dun. may nakita kaming lalaki na nirescue galing sa pasig river. duguan. basa. maputik ang itsura. nakita namin syang iniinterview ng isang reporter sa GMA 7. tapos nagsidatingan na din yung ibang reporter ng ibang istasyon. narinig ko na sabi nung kuya na inanod daw yung bahay nila. buti nalang may nakakita sa kanyang rescuer kaya may oras pa sya para ma-interview.

kung maniniwala ka o hindi, nandyan ako sa bridge na yan sa taas. isa ako sa mga biktima ng mataas na baha.

naglakad pa ulit kami. nakarating sa dulo ng tulay kung saan nandun yung baha. may nakita kaming mga foreigners na na-stranded din. may nakita din kaming truck sa gitna ng baha. ang tapang siguro ng driver nun. pero yung truck, naduwag. may mga tao din na nasa taas ng footbridge. dumadami ang mga nagrerescue. dumadami din ang mga narerescue na dumadating sa bridge. nakakaawa ang mga itsura nila. may mga ilan na umiiyak. lubog na daw ang bahay nila. yung iba nawawalan ng mga mahal sa buhay. nung narinig ko yun, naisip ko pamilya ko. huli ko silang nakausap nung gabi pa. di nila alam kung nasan ako. alam nila nasa cubao ako.


12:00pm
Floodway Bridge, Pasig

nagpahinga ulit kami ng kaunti. wala pa kasi kaming tulog. yung tulog namin paputol-putol. di namin alam na nakakatulog pala kami sa bridge kahit na basang basa kami. wala na kaming pakialam kung may magnanakaw dun kasi kung may magnakaw man ng gamit namin, madami naman kukuyog dun sa magnanakaw.

naghanap kami ng kakainan. bumalik muna kami sa may kabilang side ng bridge kung saan walang baha. buti may nakita kaming tindahan na bukas. buti di sila inabot ng baha. at buti nalang meron pa silang tinda. bumili kami ng chichirya lang saka softdrinks na di malamig. wala kasi silang kuryente. nakakahiya kasi pumunta ng jollibee tapos dun ka pa kakain tapos alam mong walang pang kain yung ibang tao dun. yung iba kasi nakatambay na lang dun. buti mabait si jollibee.

pagkatapos mananghalian, bumalik kami sa pwesto namin. nakita namin na may mga dumating na MMDA, nakita din namin si Bayani. pinagkaguluhan siya ng tao. di ba nila naiisip na di naman sila agad matutulungan nun kahit na Bayani ang pangalan nya? may binabalak sila para mawala yung baha sa lugar na yun. naglabas na sila ng armas. jackhammer. maso. at yung truck na naninira ng bato. sisirain nila yung kanal sa tabi ng bridge para may lusutan yung tubig. at ito ang nangyari sa pagwasak nila.

di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Bayani para sirain yung parte na yun ng kalye. mga 30 minuto tumagal yung pagsira. 15 minuto lang nagtagal yung pagbaba ng tubig. pano ba naman, mataas yung parte ng kalsada kaya may mga naiwan pa din na tubig. hindi dumiretso yung tubig sa river, naiwan lang din sa kalsada. lumala tuloy yung traffic sa floodway. sinira pa nila yung gilid ng bridge. mga aligaga.


1:00pm
Floodway Bridge, Pasig
matapos sirain yung kanal, iniwan nalang nila itong sira. umalis na si Bayani. yung mga tao, nakatanga nalang sa baha. ako, nakatanaw dun sa mga matataas na building sa Ortigas at Makati. naisip ko na, "buti pa sila, walang problema, mataas ang bahay, FLOOD FREE.."

may mga naririnig din kaming mga helicopter sa taas. 3 ata yung paikot ikot samin. yung dalawa, nagvivideo. yung ibang mga tao sa baba sumisigaw ng "tulong", "pengeng pagkain" at "pengeng pera". yung isang chopper naman, naghuhulog ng pagkain na naka styro. may nalaglag sa harap ko. nasira yung styro. tumapon yung laman. pagkita ko. itlog, sinangag at konting karne. pero kahit nahulog. may manong na dumampot pa din at kinain ang pwede pang kainin.

umalis ulit kami sa may bridge. nag masid masid ulit sa kabilang banda. nag iisip kami kung san kami pwedeng dumaan pauwi. kung babalik kami sa cubao, baka mataas pa din tubig sa marcos hiway. kung didiretso kami sa edsa tapos commonwealth tapos batasan
tapos san mateo tapos marikina tapos antipolo.. baka di na kami makauwi ng buhay. kung sa floodway tapos taytay palengke? di kami sigurado. kung lulusong kami? pwede din kaso di namin alam kung hanggan saan yung tubig.

2:00pm
umupo nalang kami sa tabi ng bus. pero di kami pumasok. tinignan ko lang kung ano sitwasyon ng ibang tao. yung iba, di pa daw kumakain. buti meron mga taga red cross na namimigay ng biskwit. inalok din ako pero sabi ko may mas nangangailangan pa nun. yung ibang matatanda, sinasakay na sa lifeboat para dalhin sa Mission Hospital sa Pasig. yung iba kasi nanghihina na, pati na din yung ibang mga bata, inuna na i-rescue para dalhin sa hospital.

may nakita kaming malaking truck. yung mahaba. yung pwedeng magsakay ng sasakyan sa likod ng truck. bigla syang dumaong sa pampang ng brige. nagsakayan na yung mga tao. may naisip ako, sabi ko kay kenneth na kung nag start na yung makina ng truck, sasabit nalang kami. kahit dun kami sa takip ng gulong, makaalis lang kami. pero nag antay kami, wala pa din nangyayari.



3:00pm
mataas pa din yung tubig, hanggang tyan pa. takot pa kaming lumusong kasi konti pa lang yung mga taong lumulusong. halos lahat ay nakasakay sa mga speed boat. rescue boat. airbed at malaking truck. dumadami na din yung mga media people sa paligid. di din naman nila kami matutulungan. nagbagsak ulit ng mga pagkain yung mga chopper, pinulot ulit ng mga taong nagugutom. habang tinitignan namin yung baha, may ale na lumapit sa amin. naghahanap daw sya ng mga kasama para lumusong sa mataas na baha. sabi namin na taga-antipolo at taytay kami. taga-marrick lang daw kasi sya. medyo malapit lang, mga 2 kilometro lang na lakad. sabi nya samin, maghahanap lang daw sya na taga-antipolo para may kasama kami.

3:30pm

nakita namin yung kaklase namin. si chenie at yung boyfriend nya. kagabi pa daw sila hindi makadaan, umuwi lang daw sila sa San Juan para magpalipas ng gabi tapos bumalik sila sa Pasig kasi dun talaga sila dadaan kaso hindi pa din sila makadaan. niyaya na din nila kami lumusong, habang kausap namin sila, bumalik yung matanda na nagyayaya samin lumusong. kung yung matanda nga ang lakas ng loob lumusong sa baha, pano pa kaya kaming mas bata. kaya sinubukan na nga namin lumusong. palit kami ng dala ni kenneth. sakin yung laptop nya, sa kanya yung eco-bag ko.


3:40pm
One Oasis Condo; Baranggay De Castro
medyo mataas yung tubig. hanggang tyan ko. yung ibang tao na nakita namin mga nakahawak na sa kable ng kuryente. buti walang kuryenta nun. kung magkataon na may kuryente, baka masa madami yung namatay. nakita ko yung bagong tayong condo, madaming rich people na nakadungaw lang sa taas ng condo units nila at pinapanood kaming lumusong. yung ibang nakatira sa 1st floor ng condo, mukang lumikas sa bandang itaas. dumaan kami sa de castro subdivision. nakita ko yung Jollibbe, mga nakataob na yung kotse na naka-park sa tapat ng fast food. yung ibang na-stranded, nasa taas lang ng Jollibee. swerte lang nila kung madaming pagkain dun sa taas pero sa tingin ko binaha din yung imbakan nila ng pagkain. nakita ko din yung mission hospital. nakita ko na madaming pasyenteng inaalis dun at nililipat sa hospital na di binabaha. siguro sa medical city sila dadalhin kasi mas malapit. nakita ko din yung ibang media people na tumutulong sa pagbubuhat ng pasyente at ng mga gamit sa ospital.



4:00pm
Country Side Subdivision; Ever Gotesco Ortigas
nung napadaan kami ng country side, naalala ko kung ayos lang yung kaklase at kaibigan ko mula pa nung highschool na si johndel. taga dun kasi sila sa village na yun. sana ok lang ang pamilya at bahay nila. madami din kasi akong nakita na nagkalat na gamit sa bahay. madami din akong nakitang mga nakataob na kotse. yung convenience store sa gate nila, puro putik na din. akala mo tindahan na ng putik.

medyo lumalakas yung current pag sa mga subdivision na may malalawak na kalye. pinapakawalan kasi nung iba yung tubig sa malalaking gate nila. pagkalagpas namin ng malalakas na current. biglang bumaba yung tubig. mas mahirap pala maglakad pag mababa yung tubig kasi iaangat mo pa yung paa mo para makapaglakad, hindi kagaya ng pag malalim, diretso lang lakad mo.

mas lumakas yung current nung nasa may bandang mall na kami. sa may ever gotesco. medyo konti na lang kaming mga naglalakad, yung iba kasi huminto muna sa may country side para magpahiga o magpatila ng baha. sumilip din ako sa mall, nakita ko yung mga na-stranded na nasa 2ns floor ng mall. may malaking salamin kasi yung mall na kita yung loob. ayun nakita ko yung mga tao. may chopper din na naglanding sa taas ng mall, siguro para i-rescue yung mga nasa loob. nakita ko din yung mini stop na minsan na-tambayan ko na. ayun kasama na din sya sa mga nagtitinda ng putik.

pagka-lagpas namin ng ever, medyo nawala yung baha kasi mataas na yung lugar dun. may creek din pero hindi abot yung ibabaw ng bridge. may nakita kaming nakaharang na G-liner na bus. kitang kita kung saan yung inabot ng baha nung hindi pa nakakaakyat yung bus. alam nyo yung bintana ng bus? mga dalawang dangkal lang pababa ng bintana, nandun yung bakas ng putik at grasa. yung mga sakay ng bus, dun nalang nagpalipas ng gabi sa mataas na part ng bridge. may nakita din kasi kaming mga bonfire, dun na din sila siguro nagluto o nagpainit. sa kabilang side kasi ng bridge, mas mataas yung tubig.

4:30pm
Marick Subdivision; Cainta Junction
naglakad pa ulit kami, natatanaw na namin yung junction. mga nasa kalakati na kami ng lakad bago kami makaabot sa valley golf kung saan mataas na yung lugar. nagpaalam na yung manang sa amin, taga dun lang kasi siya sa marick subdivision. medyo mataas pa yung tubig sa village nila pero nakita nya yung pamangkin nya sa gate na sinundo pala sya.

pagka-lagpas namin ng marick, medyo madami na tao sa junction. may robinson's mall kasi dun. napakadaming mall talaga sa pilipinas. hindi na din masyadong baha sa part na yun pero bakas sa kalye yung iniwan ng bagyo. sira-sira yung kalye. nung tatawid na kami, naiimiagine ko na para kaming nasa pelikula na end of the world. pagsilip ko kasi sa kanan, yung papuntang taytay, kita ko na hanggang dibdib pa yung tubig. mababa kasi sa part na yun ng cainta. pagkasilip ko naman sa kaliwa, may mga tao na nakahawak sa lubid. tumatawid din sila. may nakasabay pa nga kami na mag-ina, takot na takot yung anak nya. tinatanong sa nanay nya kung makakauwi pa sila sa kanila. nakita ko din yung 7-11 sa junction. nagkalat yung mga paninda. siguro naging putik na din yung slurpee dun. medyo madaming sasakyan na din kaming nakita. mga na-stranded din. yung iba mga sasakyan nalang. umuwi na siguro yung driver. yung iba, dun na din nagpalipas ng gabi sa sasakyan nila. hindi naman binaha yung sa may gasoline station na may convenience store. may nabibilhan pa sila ng pagkain.

4:50pm
Park Place, Cainta; Bayanihan Village
mas madaming sasakyan na kaming nakita kasi sa kabilang side, baha nanaman. lakad lang kami ng lakad, yung ibang mga manong tumatawid sa elevated na center island na may concrete barrier. ayaw siguro mabasa ng baha. medyo mataas din yung tubig sa part na yun ng cainta. may mga creek kasi dun na umapaw. nakita ko din yung mga bahay sa ilalim ng tulay. yung iba sira-sira na. yung iba pilit nilang ginagawa. habang naglalakad kami, biglang may sumigaw ng "tabi kayo! tabi dyan!" yun pala may malaking truck na nagmamadali, nasa iisang lane lang yung nilalakaran namin saka yung lane kung saan dadaan yung malaking truck. madaming sakay na tao. uwing uwi na siguro sila. hindi pa kami masyadong nakakatawid, biglang humataw yung truck. napunta sa amin lahat ng alon, dumi, grasa at basura. buti walang natumba samin.

5:20pm
Brookside Hills Cainta
may natatanaw na akong mga sasakyan na umaandar sa lupa. sa wakas. wala na kami sa baha. may naririnig na din akong mga barker na sumisigaw ng "antipolo! tanay!" "angono! bingangonan dobule hiway!!!" makakasakay na ulit sa jeep. kagabi pa ako humihiling ng masasakyang jeep, at ito na sya!!!! sa wakas!! nagpasalamat ako syempre kay Lord dahil makakauwi na kami. sumakay kami ni kenneth sa jeep papuntang antipolo. kasabay din namin yung mga kuya na kasama namin maglakad. si chenie at yung boyfriend nya, naglakad nalang. magmo-moment pa daw sila. antok at gutom na yung nararamdaman ko. ang nasa isip ko lang talaga yung pamilya ko. sana ok lang sila. sana di sila nag-aalala sakin. linggo din nga pala yun, balak ko sana magsimba kaso baka pagtinginan ako ng tao kasi yung shirt kong puti, naging brown na dahil sa putik saka sa grasa. bumaba na ako ng tikling, nagpaalam na kay kenneth at sa mga kuyang nakasabay namin. sumakay ng tricycle at umuwi.

pag uwi ko. hindi naman pala masyadong nagbaha sa amin pero nakita ko yung pader namin sa likod bahay na tumumba. ok lang yun kasi kung hindi tutumba yun, papasukin na yung bahay namin. nagmerienda ako ng sobrang dami. at natulog na. inisip ko agad yung nangyari sa akin mula nung umalis ako ng friday ng hapon na sobrang init hanggang sa pagdating ko sa bahay na may bagyo na.

abangan ang part 2 ng ondoy experience. ang pag-volunteer ko sa ABS-CBN hanggang ipadala kami sa Laguna para mamigay ng relief goods. salamat sa pagbabasa.

Saturday, September 19, 2009

isang araw ng kalayaan

nung isang sabado. nung september.. 12? ata yun. basta pagkatapos ko.. namin manuod ng greenhills sessionistas sa.. symepre sa greenhills, puyat ako nun tapos may klase kami ng mobile application ng sabado ng umaga.. mga 7:30am e kaso 9am nako nagising. syempre puyat ako tapos dapat 10:30am na lang ako papasok pero tinamad ako kaya nagbus na lang ako papasok. ka text ko si rachel nun tapos may seminar daw ng SSD.. kung hindi nyo alam yung SSD, yun yung batayan ng pagiging IT student mo. pero maraming nakakalusot dun, mga LINTA. pero hindi SSD yung usapan natin. kasi may seminar daw eh hindi naman pwede sa system namin kasi iba yung gamit namin. PHP. oo kasi muka kaming pera. PHP! eh tinamad na ko. dumiretso na ko ng QUIAPO!

dapat magmimisa ako sa Quiapo pero tapos na pala kasi tanghali na. nagbus kasi ako. 2 oras ang byahe. matagal din ako nagdasal kasi minsan na lang ako makadalaw dun. lagi kasing busy sa SSD saka masarap magsimba dun, parang nasa ibang lugar ako kasi iba iba yung mga tao. may mayaman.. at maraming mahihirap. bihira lang ako makakita ng mayayaman dun, baka siguro ayaw nila magsimba dun kasi mainet. saka madaming snatcher. tapos wala kang paparkingan ng sasakyan mo, kung meron man.. dun ka sa Carriedo, baha. kinausap ko si PAPA GOD, tapos habang nagdadasal ako, nakita ko yung mga tao na nagdadasal din kaya naisip ko: "nadidinig kaya kami isa-isa ni PAPA GOD?" eh dun pa lang sa simbahan napakadami nang tao. pero magaling si PAPA GOD, kaya nya yun. madami ngang wish bawat tao na nagdadasal eh, binibigay naman ni PAPA GOD yung wish ng mga tao pero sa tamang panahon. kaya mag antay tayo. patience. ayan nangaral na ko.

pagkagaling ko ng Quiapo, bigla ko na-tripang magpunta naman ng Baclaran. di ko alam kung ano pumasok sa utak ko, alam ko hindi pa Mahal na Araw o hindi pa siguro ako mamamatay pero dinala ako ng paa ko sa lrt-1 station at pinabili ako ng tiket hanggang Baclaran. nun pa lang ako makakapunta sa simbahan na yun.. o sa lugar na yun. sabi kasi ng mommy ko gawa daw ng lolo ko yung mga pinto sa gilid ng simbahan. nung pinanganak kasi ako wala na yung lolo ko, yung tatay ng nanay ko. kaya ayun, na curious ako. habang nasa lrt1 ako... iniimagine ko na biglang papasok si Eunice. :D kilala nyo yon? HINDEEEEE!

ayan, narating na ng tren yung station. wala akong alam kaya sinundan ko nalang yung mga tao. malakas ang loob ko pumunta dun kasi nakita ko yung mapa sa GOOGLE EARTH (ayan google may special mention pa kayo dito.. yahoo!) tapos tinandaan ko yung daan. malay ko bang luma na yung version ng mapa.. kaya pagbaba ko ng station... ANO TO? DIVISORIANG BINAHA? sinundan ko kung ano yung nakita ko sa google earth. diniretso ko hanggang sa dulo ng riles ng tren hanggang sa.. NASAN NA KO? di ko alam kung san ako sumuot kasi may baha. eh luma na yung sapatos ko, pinapasok na ng tubig yung loob kapag nakatapak ka ng basa o baha. kung san san ako sumuot para lang makarating sa paroroonan. sabi ko "ok lang mapagod basta makakarating ako sa pupuntahan ko ng ligtas." di ko alam kung tama ba yung tinatahak kong daan kasi dun na ko dumadaan sa mga tinangge.. at hindi lang sa tiangge, dun ako sa ADMIN SIDE. kung may CUSTOMER SIDE, dun ako sa nagtitinda dumadaan. nakakahiya man.. pero di naman nila ko kilala. di ko naman nanakawin tinda nila kasi madami naman kami nun sa bahay.. mga shorts na pambata saka kurtina. muka lang siguro akong magnanakaw gawa ng mahaba kong buhok at balbas. nang makalabas na ako ng mga ADMIN SIDE, wala na. di ko na alam kung nasan ako. kasi puro jeep, mga barker at madaming kalat. buti na lang may mabait na manong na lumapit sakin, napansin niya ako kasi tingin ako ng tingin sa kanya (feeling niya crush ko siya) tapos tinanong kung sasakay ba ako ng biyaheng PARANAQUE (lagot nasa south na nga talaga ako) sabi ko di ako sasakay, tinanong ko lang papuntang Baclaran Church, tinuro naman niya tapos nakangiti :D

nakarating din ako ng simbahan ng Baclaran, sa wakas! at nagkaroon ng 10 minutong katahimikan sa buhay ko..

nagdasal ako ng taimtim. gusto ko kasi makapasa ang grupo namin pati na din ang mga kaklase ko sa thesis namin. yung SSD nga. at gusto ko din magkaron ng malusog at malakas na katawan. at siyempre. lovelife ♥. pero wag muna. madami pa sigurong panahon dun. masyado lang sabik yung ibang kabataan kaya naiinggit ako at napapaisip ako. pero wala akong pakialam. dadating din ako diyan. ☺

matapos magdasal, nakita ko din ang mga pintong ginawa ng aking lolo. ayos naman. buhay pa din ang mga pinto na naiwan ng aking lolo. astig nga e, hindi lang pala sa bahay makikita yung mga ginawa niya, inexport pa niya sa Baclaran. astig si lolo! habang tinitignan ang paligid ay unti unti na akong lumalabas ng simbahan

nang makalabas na ako. naisip ko, "diba malapit na yung mall of asia dito?!" kaya ADVENTURE TIME AGAIN! dumiretso ako at madaming bus. umakyat ng MMDA overpass at nakita ang globe sa mall of asia. kaso.. MALAYO! pero dinala pa din ako ng mga paa ko sa mall. inakyat nila ako sa overpass at binaba din, siyempre nakatapak sa hagdan. nun lang ako nakakita ng totoong mosque ng mga muslim, alam kong malakas ang speakers pag sumasamba sila, yung ibang tao natatawa, parang nagtataka, pero sa loob loob ko ay respetuhin naman natin yung samba nila, kasi kanya kanyang relihiyon din yan.

nakababa na ako ng overpass, tinahan ko ang maliit na creek kung saan maraming tao ang may dalang pamingwit at mga uod, o pagkain ng isda na nilalagay nila sa hook para makahuli ng ibebenta o pang hapunan nila.. o kaya tanghalian kahit na alas-tres na ng hapon. napansin ko din yung creek, medyo madumi na talaga, kulay asul na yung kulay tapos madaming basurang lumulutang, kinausap ko nanaman sarili ko "may nabubuhay pa kayang isda dito?", pagkatapos nung tanong ko sakto may isang manong na nakahuli ng isda, di ko alam kung hito yun o janitor fish pero tinago pa din niya. habang naglalakad ako, nakakita ako ng mag-ama na mamimingwit, naalala ko tatay ko. naalala ko din yung mga pinapanuod ko na pelikula, yung mga eksenang mag-ama tapos naghahanap ng makakain. parang ganun.. pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad.

habang naglalakad, kapansin pansin ang matandang nagbebenta ng sigarilyo sa ganung klaseng lugar. nandun na kasi ako sa parte ng entrance ng mall, tapos may maliit na yosi stand. bumili ako ng isa, umuulan kasi, ayoko mag payong, sayang, mababasa lang, kaya nagyosi nalang ako. masarap kasi magyosi pag malamig. saka sinuportahan ko din si manong sa pagbili ng tinda niya.

napag isip isip ko din na talagang masarap mag-gala pag mag-isa. madaming mga random na bagay ang pumapasok sa utak mo. mga bagong pananaw sa buhay, mga ibang buhay ng may buhay at kung ano ano pa. masarap mapag isa kasi wala kang kausap kundi sarili mo, wala kang ibang papakainin kundi ang sarili mo, pwede kang maglakad kasi hindi ka naman maarte at gusto mo din naman ng adventure at tipid pa sa pamasahe, yun nga lang, wala kang kasama. minsan napag isip ko na mas ok ako pag nag-iisa. mas nakakapag isip ako ng malaya, walang kumokontra sa mga sinasabi ko, naiintindihan ko ang sarili ko, di nababawasan ang pera ko kasi wala akong nililibre, walang nagrereklamo, walang demanding, walang nagpapa-asa, walang ibang kausap kundi sarili mo.

natatanaw ko na yung mall. habang papalapit, naiisip ko din na gawin ulit yung ginawa kong trip. magsimba sa quiapo at baclaran, maglakad, at dumiretso ng mall of asia. at isulat kung ano ang mga nangyari sa araw na iyon. nakikita ko ang sarili ko sa tabi ng manila bay, may dalang laptop, nagsusulat ng kwento, at naninigarilyo. pero sana sa mga panahong yon, iwasan ko na yung paninigarilyo, kasi mamaya baka sa pagsusulat ko, di ko na to matapos.

at last. nakita ko na din ang globe ng mall. makakakain na ako at maghahanda para umuwi sa Taytay.

Sunday, May 31, 2009

kape


bakit kaya andaming photo sa friendster (at hindi lang pala sa friendster) ang nagkalat na me taong nagpipicture tapos umiinom ng kape sa starbucks?


ano ba meron sa kape ng starbucks? magmumukha ka bang mayaman kapag umiinom ka ng kape dun o may picture ka kasama ng plastic cup nila?


maiinggit kaya ang ibang tao sa mga taong may picture sa starbucks? gagayahin din kaya nila ito at magpapapicture din sila habang nagkakape dun?


bakit kaya wala pa kong nakikita na picture sa friendster na umiinom ng siya Nescafe 3 in 1 at sosyal na sosyal ang pose? o kahit kapeng barako tapos proud na proud pa siya sa pagtimpla niya ng Cafe Puro habang nagbabasa ng diyaryo at kumakain ng tinapay?


bakit sila gumagastos ng malaki para lang sa isang baso ng kape o ng malamig na kape kahit tag ulan?


kailangan din bang magdala lagi ng laptop sa starbucks kapag nagkakape? wala ba silang internet sa bahay at kailangan pang magnakaw ng bandwitdth ng kapihan?


at bakit feeling nila bahay nila yung starbucks at naka taas pa ang paa nila habang umiinom?


tara samahan mo ko. kape tayo sa starbucks. may dala akong digicam!


PICTURE AY MULA SA:
http://blenda14ph.blog.friendster.com/files/fotoku7275_copy11-290x3001.jpg

Wednesday, May 27, 2009

naaalala mo to?

Sa isang malayong kaharian, may isang pangit na prinsipe na hindi pinagkalooban ng magandang mukha pero hindi siya ang bida sa kuwento ko. Ang pagtuunan natin ng pansin ay ang isang bata na ginigising na ng kanyang alarm clock.

Totototototototototot! Patay tayo diyan. Umaga nanaman. May pasok ka nanaman. (Hikab) Ginising ka ng alarm ng cellphone mo. Di mo maimulat ang mga mata mo sa kapal ng muta kasi napuyat ka kagabi kakanuod ng mga DVD. Tinalo mo pa si Kuya Germs at si David Letterman sa pagpupuyat.

Lagot ka, ayan na ang mama mo.

“Bangon na! Baka ma-late ka nanaman! Ayokong pipirma sa attendance sheet niyo kasi may late ka.”

Madilim-dilim pa kaya hihirit ka pa ng mga sampung minuto at hihintayin ang pagbubukang liwayway para lang bumangon. Buhay na ang diwa mo. Maya-maya habang nag-aalmusal e umiral nanaman ang katamaran mo.

“Mommy, parang nahihilo ata ako. Masakit ulo ko kasi napuyat ako kagabi kakagawa ng project. Sakit pa ng katawan ko. Pati sinisipon ako. Nanlalambot ako.”

Pati ata buhok mo e sumasakit na din. Tama na, lumang istilo na yan. Laos na raket mo. Sa madaling salita e mapipilitan ka ding pumasok.

Nasa labas ka na ng iyong pinakamamahal na paaralan. Habang papalapit na sa gate e nararamdaman mo na kinakanta na ang pambansang awit kaya tumayo ka ng matuwid at nilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. Pagkatapos ng pambansang awit ay hindi ka na nag-recite ng Panatang Makabayan at ng Mission Statement ng inyong paaralan at pinagpatuloy mo na lang ang paglalakbay mo patungong classroom at maya-maya pa e hinarang ka ng mga estudyanteng naka-bihis sundalo o mga CAT officers. Late ka na daw! Siyempre ayaw mong magkaroon ng record na late kaya dinepensahan mo naman sarili mo.

“Nandito na ko bago pa tumugtog yung Lupang Hinirang!”

Nahabag sayo yung officer dahil sa award-winning mong pag-acting na puwede nang ilaban sa pag-arte ni Berting Labra sa pelikulang Pila Balde.

Pagpasok mo sa classroom e mistulang nasa talipapa. Ang inet! Abot singet! Hindi pa kasi binubuksan yung aircon. Nagkakagulo ang mga kaklase mo! Parang may Royal Rumble! Para silang nanunuod ng laban ni Undertaker at Batista sa Wrestlemania. Pag-upo mo sa upuan mo e saktong binuksan na ang aircon kaya medyo nawala ng konti ang sungit ng mukha mo.

First period na. Pumasok na si Ms. ‘Araling Panlipunan’ bitbit ang limpak-limpak na visual aids. Ayos naman magturo kasi ‘relax’ lang. Parang pumepetix ka lang. Enjoy naman kahit medyo inaantok ka. Natapos na ang first period na may panis na laway ka sa pisngi mo. Nakatulog ka pala. Ayos lang, nabawasan naman ang antok mo kahit papaano. Naisipan mong mag-CR para magbawas (hindi tumae). Habang pababa ng hagdan e may nahawakan kang malagkit sa rail ng hagdan na inakala mong gel para sa buhok pero pag-amoy mo e amoy laway. Biktima ka ng plema gang kaya maghugas ka ng kamay ng mabuti. Pagpasok ng CR e sari-saring mga ‘vandal’ ang makikita mo tulad ng “HAWAK MO ANG KINABUKASAN NG BAYAN” na hindi mo alam kung ano yung kinabukasan ng bayan na tinutukoy ng nagsulat nun.

Pagbalik mo ng classroom e nakita mong sa labas naka-tambay yung mga kaklase mo. Hindi mo maintindihan kung bakit sa labas pa sila tumatambay e kung mas malamig naman sa loob kasi may air con. Napaisip ka tuloy. “May nagaganap kayang pot session?”

Second subject na. Si Mrs. ‘Physics’ na. Pinababa kayo sa laboratory kasi may experiment kayo. Sa sobrang tuwa mo sa inyong experiment e nabagsak mo yung test tube at siyempre nabasag mo. Kawawa ka naman, tag-bayad ka nanaman. Matapos mong pumirma sa ‘statement of account’ e sa wakas, recess na.

Pagbaba mo sa canteen e katakot-takot na pila ang naabutan mo. Parang mga sasali sa Kwarta o Kahon ang mga tao. Madami sila. May kinder, grade 2, grade 6, 1st year hanggang 4th year high school. Halo-halong mga estudyante ang nasa canteen at halo-halo din ang amoy. Dahil sa nakasusulasok na sitwasyon e naisipan mo na lang na ‘wag ng kumain at mamburaot nalang para makatipid ka.

“Aba! Anak ng putang ama naman oh! Araw-araw ka nalang nambuburaot e!” hirit ng kaklase mong galit na galit na tila lalabasan na ng alupihan sa mukha dahil inubos na ng Kalabit Penge Gang ang baon niya. Kaya ayan ka…gutom.

Balik sa klase. “Magandang umaga! Makipag-palit ng inyong mga gawaing bahay sa katabi. Iwawasto natin ang mga ginawa niyo.” wika ni Mr. ‘Filipino’. Hala ka! Nakalimutan mong maghapit kaninang umaga, late ka kasi e. E pano yan? Instant homework ka nanaman. (Babala: WAG TULARAN) Ayos, perfect ka na sa gawaing bahay mo.

Next subject, ang pinaka-aantay mong guro na ang susunod. Si Ms. ‘P.E.’ Siya ang dahilan kung bakit wala ka pang absent sa subject niya. Abala ka sa pagkopya ng iniwang lecture ni Ms. ‘P.E.’ nang may narinig kang kakaibang tinig.

“OK class isten up.”

Parang may kakaiba. Pagtayo mo e ibang nilalang ang tumambad sa harapan mo at hindi yung cute na seksi na teacher na inaabangan mo. Mukang hindi nasa ayos ang feng shui mo ngayong araw na ito at hindi mo ata nabasa ang daily horoscope mo kaya napangiti ka nalang sa itsura ng substitute. Natawa ka kasi para siyang puwet na tinubuan ng mukha.

“Hey yu! Wat are yu laping at? Ikaw kaya dito!” sunget naman nito.

“OK class, time na. Pass your notebooks.” Sige, paspas sa pagsulat para makaabot!

“Hoy!!! Teka lang!!! Eto pa notebook ko!!!” Suwerte mo madami kayong hindi pa tapos. Sino ba namang hindi ma-uulol sa pagkopya ng lecture sa limang manila paper?

Inaantay niyo yung next subject pero sa tinagal-tagal ng pag-aantay mo e wala pala yung inaantay niyo kaya naisipan mo na lang na mag-lunch.

Suwerte mo maaga kang nakapag-lunch at wala pa masyadong nakapila sa canteen. Masarap ang pagkain. Solb. Hindi naman bitin. Kasama mong mag-lunch ang galante at mabait mong kaklase kaya nilibre ka pa niya ng siomai at ng iced tea. Swerte mo may nagmamahal sayo. At panibagong swerte nanaman kasi lalo kang nabusong dahil nakasalubong mo yung crush mo. Kahit hindi ka na kumain basta makita mo lang siya e mabubusog ka talaga.

Mahaba pa ang bakanteng oras kaya naisipan niyo munang mag internet sa computer shop ng paaralan niyo. Siyempre nagpalibre ka nanaman sa mabait mong kaklase. Bago na pala mga computer sa shop. LCD na yung monitor at mukhang mabilis na yung mga computer kaya nirentahan niyo naman. Ang hindi niyo alam e soooobrang bagal ng internet ngayong araw. Naubos lang ang pera at oras niyo sa loob ng shop kaya paglabas niyo e masungit na yung pangit niyong mukha.

Balik nanaman sa klase. Ang tagal ng oras. Naiimbiyerna ka na kasi gusto mo nang umuwi. Paglabas ng last period na si Mr. ‘Technology ang Livelihood Education’ e nagtatalon ka sa sobrang tuwa dahil makakauwi ka na pero hinarang ka ng isang kilalang mukha. “Hoy! Cleaners tayo ngayon!”

Hindi ka makakatakas kasi dumating na si adviser kaya walis dun, mop dito, punas ng blackboard na green, tapon ng basura at habang naglilinis ka e samu’t-saring mga tinig ang nadidinig mo.

“Yung hindi naman cleaners e lumabas na!! Nakakagulo lang kayo!! Ano ha?!”

“Hoy! Yung group 3 sa English! Gagawa tayo ng research paper bukas!”

“Classmates, may !@#$%^& ﻠﻲﻉﻧ ﺾﺱﺦﻖ ﻏﺻﺩﻅ ☼♀♂ ♫∑Ω ₧←ф…!!”

Kung anu-ano na lang ang naririnig mo sa classroom. Tapos ka na maglinis. Sa wakas e talagang makakauwi ka na. Paglabas mo ng gate e naamoy mo ang masarap na bopis kaya bumili ka at sinamahan mo pa ng malamig na gulaman. Ayos! Solb! Nakita mo ang mga ka-barkada mo at nagyaya silang mag-Counter-Strike. Naubos nanaman ang allowance mo kakalaro. Kaya magpapalibre ka nanaman sa mabait at galante mong kaklase. Di pa tapos, nakita mo pa yung mga kabanda mo, may jamming daw kayo kaya tumugtog ka muna. Pag-uwi mo e naalala mo pala na tambak ka ng mga projects at assignments kaya naisipan mo na lang manood ng Bakekang.

Araw-araw nalang na ganito ang laging nangyayari sayo. Hindi mo namalayan e nakatapos ka na pala ng pag-aaral. Sa sandaling ito, makikita mo na lang ang iyong sarili na nagbabasa ng isang kuwento tungkol sa mga karanasan mo sa pag-aaral at hindi mo namamalayan na tapos na pala yung istorya. Schwing!