Sunday, May 31, 2009

kape


bakit kaya andaming photo sa friendster (at hindi lang pala sa friendster) ang nagkalat na me taong nagpipicture tapos umiinom ng kape sa starbucks?


ano ba meron sa kape ng starbucks? magmumukha ka bang mayaman kapag umiinom ka ng kape dun o may picture ka kasama ng plastic cup nila?


maiinggit kaya ang ibang tao sa mga taong may picture sa starbucks? gagayahin din kaya nila ito at magpapapicture din sila habang nagkakape dun?


bakit kaya wala pa kong nakikita na picture sa friendster na umiinom ng siya Nescafe 3 in 1 at sosyal na sosyal ang pose? o kahit kapeng barako tapos proud na proud pa siya sa pagtimpla niya ng Cafe Puro habang nagbabasa ng diyaryo at kumakain ng tinapay?


bakit sila gumagastos ng malaki para lang sa isang baso ng kape o ng malamig na kape kahit tag ulan?


kailangan din bang magdala lagi ng laptop sa starbucks kapag nagkakape? wala ba silang internet sa bahay at kailangan pang magnakaw ng bandwitdth ng kapihan?


at bakit feeling nila bahay nila yung starbucks at naka taas pa ang paa nila habang umiinom?


tara samahan mo ko. kape tayo sa starbucks. may dala akong digicam!


PICTURE AY MULA SA:
http://blenda14ph.blog.friendster.com/files/fotoku7275_copy11-290x3001.jpg

2 comments:

  1. hahaha. ayos lng may laptop. pero ung mgpapicture ksma ang kape ng starBAK(starbucks), ewan ko nlang. lulz! =p

    ReplyDelete
  2. haha nakapag starbucks na din ako. masarap pala. pero di ko trip tumambay sa loob. naaamoy ko yung aroma ng kape.. baka mamaya maglabas ako ng camera at magpicture habang nasa bunganga ko yung green na straw

    ReplyDelete