About PinoyBlagger

ako si RJ. nakatira sa Taytay. nakapagtapos ako sa PUP ng kursong I.T. (computer) at 22 years old na ko. mula pagkabata ay nakatira na ako dito samin sa Taytay. nagkaron ng madaming kaibigan noong pre-school, elementary, highschool, college at mga out of school youth. bukod sa pagtutok sa harap ng computer araw-araw ay tumutugtog din ako kasama ang banda ko. ang tawag samin ay Kissbone.

umibig din ako at nabigo. nakaranas ng napakadaming rejections at napakadaming ka-swertihan sa buhay. sakto lang. masarap mabuhay. masarap maging Pinoy at kumain ng pagkaing Pinoy.

tulad mo, at ng ibang tao, madami din akong problema. 

ilang beses din akong bumagsak sa klase, nung highschool ay muntik pa nga akong hindi maka-graduate, nung college muntik na din akong bumagsak sa isang minor subject at muntik na din hindi maka graduate. pero mabait ang Panginoon.


ngayon ay pinagbubuti ko ang akung buhay bilang isang web designer/developer. kung hindi mo alam iyon, kami yung gumagawa at nagpapaganda ng mga website, kagaya nalang ng binabasa mo ngayon. balang araw ay magkakaroon din ako ng magandang pamumuhay.

natripan ko gumawa ng blog kasi.. ano nga ba? kasi gusto ko magkwento ng mga nangyari sa buhay ko, gusto ko ilagay dito yung mga nagpapasaya, nagpapalungkot at nagpapa-badtrip sakin, gusto ko magkwento ng mga kwentong barbero, kwentong tambay bilang isang Pilipino.

bakit pinoyblagger?

dapat kasi pinoyblogger sya kaso hindi na daw available, ginawa kong BLAGGER kasi halata naman na halo itong tagalog at english na salita. kaya ang gagamitin kong salita sa pagsusulat is the mix of the english and the tagalog language. gets?




kung di mo gusto ang mga nakasulat dito, maaari mo na pindutin ang ALT + F4 para matapos na, pero kung gusto mo at nakaabot ka sa puntong ito ng pagbabasa, MABUHAY KA KAIBIGAN!

ikaw? sino ka? ikaw naman ang magpakilala.