Wednesday, June 8, 2011

facebook and internet elitists

naalala ko nung unang sali ko sa facebook, mga december 2007, hindi pa ganun kadami yung pilipino dun kasi na-stuck pa sila kaka-post ng testimonials at messages sa bulletin board ng Friendster. nag facebook ako para makita yung iba kong kamag-anak sa australia, qatar at USA. naadik din ako nun sa mga laro lalo na yung battle stations. naalala ko pa na puro taga taiwan at singapore yung kalaro ko. tapos yung friends ko halos mga taga ibang bansa. hindi ako makapag post ng tagalog kasi baka di nila maintindihan. pagdating ng mid-2009, dun na nagsulputan yung mga kaklase ko, kaibigan ko. dumami na din yung mga kalaro ko sa battle stations, mafia wars at farmville.

mas dumami ang Facebook users dito sa Piilipinas nitong 2009-2011, sa pag dami ng users nito ay dumami din yung mga "Pages" o yung parang dating "Fan Page". may mga pages na makabuluhan, yung iba pang sarili o para lang may ipromote, meron naman mga nakakatawang pangalan ng fan page.

sa mahigit 30-milyon na facebook users sa pilipinas, BAKIT BALIW NA BALIW SILA MAGING ADMIN NG ISANG PAGE? lalo na yung mga kabataan na edad 13-20. minsan, sa welcome page ng pages, may nakikita pa akong "ADMIN SEARCH", "WHO WANTS TO BE AN ADMIN?" at "CONTEST FOR ASPIRING PAGE ADMINS"... anong saya ang dulot sa kanila sa pagiging admin? nakakapag post sila ng photo gamit yung pangalan ng page? nakakapag post sila ng status gamit yung pangalan ng page? nakakareply sila gamit yung pangalan ng page tapos may -=+put name here+=- sa dulo? o baka dahil nakikita yung mga mukha nilang naka shades, naka head-set, naka peace/rock sign sa welcome tab ng page? hindi ko alam kung bakit may mga users na hayok na hayok maging admin. eh puro content lang naman pwede nilang mabago. pwede silang mag-code pero sa welcome page lang lalabas. anong kinaganda ng pagiging admin? sisikat yung picture nila? sisikat sila kasi ADMIN sila ng isang FACEBOOK PAGE?

naging admin na din ako, pero hindi ng isang fan page. ilang websites na din yung nahawakan ko bilang webmaster o moderator. gumawa ako ng mini-social networking site para sa college namin na ngayon ay nagsara na dahil sa kawalan ng pondo at talamak na ayawan at ligawan. minsan pinagsisihan ko din na sana hindi ko nalang yun ginawa dahil maraming taong nagkaron ng kaaway. pano ba naman, napakadami ang elitista. post ng post ng ganto ng ganyan tapos sabi alam daw nila yung lahat. eh syempre pano mo malalaman yung lahat, kaharap mo yung computer mo tapos isang click mo lang kay google, nandun na. tapos ipopost mo na alam mo yan, na mas madami kang nalalaman na ganun. ewan.

malaking tulong nga ang internet sa ating lahat kaso dumadami na yung mga elitista. sa mundo ng internet, hindi mo makakausap ng harapan yung ka-chat mo kasi magkalayo kayo. so halimbawa na may itatanong ka sa kausap mo na hindi mo alam, isang type lang nya kay google, alam na nya tapos bigla syang magmamagaling na alam nya yun. pero sa totoo lang, dun nya lang din nalaman yun nung tinanong mo yun sa kanya. madami na akong na-experience na ultimate elitista sa mga forums. magpopost sila ng mga nalalaman "DAW" nila pero yung iba dun, galing din sa internet. tapos magsasagutan na mas magaling daw yung isa, tapos may sasabat na mas ok sya. parang yung mga awayan na nakikita nyo sa youtube. pag may pinost si juan na video na kumakanta sya tapos magcocomment si pedro na mali daw yung ginagawa ni juan na mas magaling daw si pedro kay juan tapos hanggang mag away na sila at hindi na matatapos.

sa dami ng pages sa facebook, buti hindi sila nalulugi sa webspace. kasi yung iba, gagawa lang para sa sarili nila o parang wala lang tapos syempre mga admin yung sikat kasi gawa nila yun, kasi sila nagmamanage ng page, kasi sila yung may kakayahang magtanggal ng mga nag-like sa page. tapos ipagmamayabang nila na "pare admin ako ng ganitong page sa facebook, sali ka dito, hari tayo dito, madami tayong followers..."

o ano pang ginagawa nyo? sali na kayo sa fanpage ko at gagawin ko kayong admin.. KAYONG LAHAT!

Tuesday, June 7, 2011

kapag ako nanalo sa lotto

sa buong buhay ko, di pa ko tumataya sa lotto. sabi kasi ng teacher ko dati, masama daw yun kasi sugal. sabi naman ng mga tita ko, ok lang naman yun kasi yung tax na nakukuha dun, dinodonate sa PCSO, sa charity. naisip ko minsan, kung tataya ako sa lotto at mananalo ng jackpot, ano kaya una kong gagawin? nung isang taon (2010) umabot sa mahigit0kumulang 700 milyon ang jackpot sa lotto, nitong isang buwan (may 2011) ay umabot din sa 300 milyon ang jackpot. kung isa ako sa mananalo o nanalo ng ganung kalaking pera katulad ng 500 milyon, ito ang gagawin ko:

  • magpapatayo ako ng paaralan sa mga liblib na lugar, yung lugar na tumatawid pa yung mga bata sa ilog at bundok para lang makapag-aral. siguro kahit tag 5-classroom na presyong 300k kada room ay pwede na. supplyan ko na din sila ng school supplies at libreng pananghalian. yung libreng pananghalian, magpapatayo din ako ng taniman ng gulay, palayan at manukan/babuyah para may makain sila. libre na din yung pag-aaral ng mga bata hanggang mag-highschool sila. kung talagang matalino sila, bibigyan ko sila ng scholarship para makapag-aral sa magagandang unibersidad.
  • magpapatayo ako ng pampublikong ospital para sa mahihirap na parang o kasing ganda ng medical city. magpapatayo din ako ng taniman ng mga herbal medicine na gagawing mamahaling medicine para ibenta sa mga mayayaman tapos yung mapagbebentahan dun ay yung bayad sa mga nurse/doktor o pambili ng mga gamot ng mga mahihirap na magpapagamot sa ospital na yun.
  • magtatayo ako ng negosyo. unang negosyo ay food chain dito sa taytay. wala kasing KFC dito at mukhang kailangan din ng mang inasal sa bayan. yun yung una kong mga ipapatayo. kukunin kong mga empleyado ay yung mga mahihirap na hindi nakapag-tapos ng pag-aaral tapos kung gusto nila mag-aral, pwede sila mag-aral sa umaga o gabi. magnenegosyo din ako ng restaurant na pang mayaman para yung mga sobrang kita dun, pwedeng ipang-tulong sa iba pang tao.
  • magtatayo din ako ng madaming manukan at gulayan at taniman ng mga puno ng mangga pang supply sa itatayo kong fastfood o restaurants. syempre yung mga magtatrabaho din dito ay yung mga walang mahanap na trabaho lalo na yung mga masisipag na matatanda.
  • magpapatayo ako ng isang recycle shop. lahat ng binebenta dito ay halos galing sa basura o recycled materials para medyo luminis yung Pilipinas. yung mga kukunin kong trabahador ay yung mga disabled (pilay, pipi, bingi) na kayang gumawa ng mga handicrafts na madadali lang. tapos yung produkto dito, pwedeng pang export quality para mas malaki ang swswelduhin nila.
  • bibili siguro ako ng lupa sa antipolo para hindi na kami binabaha. simpleng bahay lang ang ipapagawa ko para hindi mainit sa mata ng magnanakaw at tamang sasakyan lang na pampamilya at pang-chicks hehe
  • tutuparin ko na yung pangarap kong magkaron ng sariling recording studio.
  • itutuloy ko din yung negosyo ko sa prepaid loading at web design/development. ieexpand ko siguro yung business namin na Creativithink at bibibgyan ng opportunity yung ibang web designers/developers para ma enhance yung skill nila. sa recording studio naman, tutulungan ko yung aspiring bands na ikalat yung music nila.
  • isa ko pa palang papagawa ay isang music bar. para gabi-gabi may matugtugan yung mga banda at mag mapuntahan din yung mga gustong mag-inom at mag happy-happy.
  • ang huli kong ipapagawa ay isang chapel o simbahan sa sto.niño. bata pa lang ako, nakikita ko na yung gusto nilang itsura ng chapel kaso malaking pera daw yung kailangan kaya kung mananalo man ako sa lotto, ipapagawa ko na ang naudlot na pagpapaganda ng sto.niño chapel.
  • higit sa lahat. hindi ko kailangan na makita yung pangalan ko sa mga tulong na ginawa o binigay ko para magkaron sila ng utang na loob sa akin. ayoko ng ganun. ang gusto kong isipin ng mga taong natulungan ko na bigay ni Lord na blessing yun para sa kanila at hindi galing sa isang tao para mas mapalapit yung kaluluwa nila kay Lord at hindi sa pera.
  • yung matitira ay itatago ko sa banko. kahit mga 10% ng panalo ko. para kung in case of emergency ay may magamit. 50% dun ay itutulong ko sa mga nangangailangan. 20% sa personal at 20% sa negosyo para tuloy pa din ang income kahit hindi nagtatrabaho.
kaso ang problema ko, hindi ako yung nanalo sa lotto at hindi pa ako tumataya kahit kailan. at kung ako man yung mapalad na mananalo sa lotto, sigurado akong may matutulungan ako. blessing na kasi yung pagkapanalo sa lotto, at hindi naman talaga kami masyadong nangangailangan ng pera. sakto lang na may pambili ng mga pangangailangan, pagkain at ng kaunting luho. sandali lang kasi ang buhay natin sa mundong ito. kung gagawa tayo ng mabuti, pagpapalain pa tayo lalo ni Lord. wag natin unahin ang mga sarili natin sa panahong mas madaming nangangailangan kaysa sa atin. ok na yung mapagbigyan mo yung sarili mo kahit kaunti, ang mas mahalaga ay makatulong ka sa mga mas nangangailangan. alam naman natin lahat na kailangan natin ng pera para mabuhay, para may ipang bili ng mga pagkain, damit, bahay.. para mabuhay. pero wag sana natin sambahin yung pera. may ibang tao dyan na papatay pa o magkakasala pa para lang magkaron o makuha yung gusto nilang yaman..

kung yung nanalo sa lotto ang nagbabasa nito, sana madami siyang matulungan lalo na yung mga naghihirap nating kababayan. pag lumaki na yung jackpot sa lotto, susubukan kong tumaya para matupad ko ito, hindi man lahat, basta may matulungan ako. God bless!