Saturday, January 30, 2010

good deeds

masarap tumulong sa mga nangangailangan pero minsan nakakapagod na gumawa ng mabuti o tumulong sa iba..

alam mo kung bakit?

kasi madami diyan, abusado..

madalas ako nagbibigay sa mga tao. pagkaen, materyal na bagay, oras at higit sa lahat, ang dahilan ng pag-aaway ng mga tao sa mundo.. ang pera. minsan kasi pag may extra akong pera at wala pera yung kasama ko o kaibigan o kakilala, e nililibre ko sila ng pagkain. di naman ako kandidato sa darating na eleksyon, pero masarap lang sa pakiramdam yung tumulong o magbigay. yung pag kakain ako tapos wala pagkain yung kasama ko, siyempre maaawa ka kaya bibilhan mo din siya o bibigyan mo. di naman masamang tumulong.. wala naman akong hinihilinh kapalit.

minsan naman, sa mga ibang gawain ay nagbibigay din ako ng oras. halimbawa nalang pag nakatapos na ako ng assignment o project sa school, tumutulong ako sa iba para madali silang makatapos. wala lang din. masarap lang tumulong at i-share yung alam mo sa iba lalo na pag naghahapit yung klase at isa ka sa mapalad na unang nakatapos ng ginagawa niyo. ano naman masama sa pagtulong?

pero minsan, di maiiwasan yung mga taong abusado. gawa nga kasi ng bigay ka ng bigay, di ka umaangal. yung pag may hiniling sila, "oo" at "sige" lang lagi ang sagot mo. pag nanghingi sila ng pabor, di sila mahihiyang lumapit sayo kasi di ka tumatanggi.

may dalawa o basta madaming beses na nangyari sakin to. yung tipong sa dami ng may kailangan sayo, gusto mo na hatiin yung katawan mo para lang mapaglaanan ng oras itong mga taong ito. yung biglang may magtetext sayo na magkita kayo kasi namimiss kana niya e kaso lang nasa school ka at nagkaklase, o minsan nasa trabaho at kailangan ka din sa trabaho tapos yung nagtext eh bigla na lang magtatampo kasi nasanay na sayo na hindi ka tumatanggi tapos galit na siya tapos kahit anong paliwanag mo e hindi maniniwala sayo..

minsan sila na nga yung may kailangan, sila pa yung galit pag hindi mo sila napagbigyan..

sila na madalas humingi sayo ng pabor tapos pag ikaw yung nawalan, e para lang din silang bula na mawawala pag nakatunog na lalapitan mo sila para humingi ng tulong.

isa pang experience.

boy: pare may extra ka bang speaker dyan sa inyo? bilhin ko..
ako: meron. sayo nalang, di na ginagamit eh..
boy: naku talaga? salamat..

after 2days

boy: pare nasan na yung speaker?
ako: ay nakalimutan ko.. pasensya na. bukas
boy: bukas ha..

makalipas ang 1 buwan

ako: pare kung bibili kayo ng papel, pabili na din ako. bayaran ko nalang.
boy: oo (di sigurado s sagot)
ako: o nasan na yung papel ko?
boy: ay naku pare, nauna na sila humingi. naubusan ka. bili ka nalang ng sayo..

nung hapon

sila: tara kaen tayo. gutom na kami.
ako: wala ako pera eh..
sila: utang ka muna kay boy.. bayaran mo nalang bukas..
ako: boy, pautang naman. kakain lang ako. babayaran ko bukas..
boy: ay naku pare, wala na eh..saka di ako nagugutom..
(may lumapit na kaklaseng medyo mayaman)
mayaman: boy pautang naman ng 50, babalik ko bukas ng 70.
boy: (nagbilang ng pera sa wallet, nakita ko na madaming tag-100).. o ito 50. balik mo bukas ah..
ako: (tahimik nalang at nagutom)

ano kayang pakiramdam ng ikaw na ang nagbigay sa taong yon tapos nung ikaw yung wala, hihiram ka lang e hindi ka mang lang mapahiram?

pano kung lagi nalang sayo nangyayari to?

may isa pa. ginawan ko ng website. libre lang yung pagpapagawa niya. wala ako siningi kahit magkano o hininging kapalit. kahit pangalan ko wala dun sa website nila. siya pa tong may ipinangako na may ibibigay sakin pero hanggang ngayon wala pa din itong binibigay. pero di ko naman pinipili siya na ibigay sakin yun, kaya ginawa ko, bumili nalang ako ng akin para di ako mag intay sa wala. tapos neto lang, may ipapagawa nanaman siya. gusto kong sabihin na, "magpapagawa ka nanaman. tapos sasabihin mo libre? e yung pangako mo nga di mo pa din nabibigay, puro ka palusot. di ako pinag-aral ng nanay ko ng I.T. para lang gumawa ng libreng website.. hindi ito kawang-gawa, kailangan ko ng trabaho. kahit pandagdag mo lang sa pambayad namin sa kuryente..."

2 comments: