Monday, January 4, 2010

ang nagdaang 2009

pilit iniisip ang mga nangyari noong 2009...


JANUARY
- unang week ng 2009 pumunta agad kami ng divisoria ni Rachel para bumili ng shirt
- nagplano kami mag organize ng Battle of the Bands sa college namin kasama ang SC at wangminds.
- tinapos ko ang ASP.NET project ko, nagconvert lang naman ako ng .html webpages to .aspx
- tumulong ako sa pag gawa ng ASP.NET project, tinulungan ko si Rachel.
- nagcompose kami ng kanta kasama banda ko (Kissbone), at ang title nito ay "Plead"
-
naglinis ako, vhen, tintin at iba pang atashinchi ng SC office.


FEBRUARY
-
nasa proseso pa din ng pagpaplano ng battle of the bands. naghanap kami ng sponsor, ng sound system at nag asikaso ng event venue, papeles, budget at event proper.
- madaming nakilalang tao sa pag oorganize ng battle. si sir marvin para sa sound system, si sir alcantara, yung sa pont exe para sa tarpaulin at ibang personnel ng PUP
- may kumuha sakin para maging drummer nila, ang bandang Emerald Drive. kaklase ko nung elementary yung kumuha sakin.
- dumadami na ang tambay sa aming website na pupccmit.ning.com at madami akong nagiging kaibigan
- IT WEEK, nabagok si peter cole at nagkaron ng short term memory loss. naganap yung battle. masaya naman.
- nakabuo ulit kami ng kanta, title naman nito "Come What May"
- valentine's day. namili kami ng sapato at damit sa divisoria. kasama ko si chinne at rachel.


MARCH
- nakapasa ako sa Database Management System at sa Programming 5 (C#). YEHEY!
- patay na si Francis Magalona.. RIP
- nagsimula na ako magrecord ng drum track para sa EP album ng Kissbone.
- nagkaron din ng election sa student council sa PUP, kami yung tagabantay ng boto at ng bobo na nagbibilang
- unang gig ko sa Emerald Drive
- nagkaron din kami ng gig ng Kissbone sa Global City Innovative College sa The Fort
- nag enroll na kami para sa summerclass
- naghanap at nakahanap ng boarding house sa summer, katamad kasi umuwi ng bahay tapos mainit tapos madaming gagawin kaya nagboard na lang kami. kasama ko si peter. nakilala ko si ate let, aj at yung crush ko sa boarding house.


APRIL
- simula na ng summerclass
- naghanap kami ng client o company na gagawan ng computerized system, at nakahanap naman kami. sa gilmore. Computers On Sale Plus
- naging busy na kami sa SAD (System Analysis and Design) at sa Software Engineering.
- nararamdaman ko ang sarap sa pagboard kasi malaya ako. tumambay kami sa 7-11 sa katabi ng GMA Network Center kasama si moja, peter, carl at mang mike.
- nagkaron ng mainit na sagutan sa pupccmit kaya nagpasya ako na isara muna ito pansamantala
- nagkaron din ng screening para sa isang youth concert. kahit wala pa kaming praktis ay sumalang kami sa screening, ayun tutugtog kami sa The Fort kasama ang iba pang mga OPM artists.


MAY
- siyempre highlight ang pagkapanalo ni pacquiao kay ricky hatton
- na move yung youth for peace concert sa june
- patapos na ang summerclass at ayos naman ang naging defense namin sa SAD
- tinapos ang recording ng album at nagpasa ng demo sa NU107
- birthday ko! :D
- pangalawang gig kasama ang Emerald Drive
- natapos din ang summerclass! yehey!
- nag enroll na kami ng 4thyear at naaamoy ko na ang SSD


JUNE
- EP LAUNCH NG KISSBONE! kasama namin ang orpheus, strike and run, gotoxy, panorama, falsekill, latefall, kaikatsuna at citrus.
- naghahanda kami para sa youth for peace concert
- YOUTH FOR PEACE CONCERT kasama ang mga OPM Bands. nakasama namin ang mga bandang Prophecy, Samaria, Obra ni Juan ,Gracenote at madami pang iba. naka bonding naman namin ang mga bandang Giniling Festival, Chicosci, Join the Club at madami pang iba.
- birthday ni Rachel at Jermin! :D
- nag inom kami ng papa ni rachel nung birthday ni rachel
- nagsimula na kami gumawa ng SSD (System Software Design)
- nanuod ako ng Fete Dela Musique sa Metrowalk kasama ko si justine. napanuod ko ng live ang Sin, Cog, Badburn, April Morning Skies at iba pang mga banda.
- nanuod kami ng transformers 2 sa shangrila
- patay na si Michael Jackson... RIP


JULY
- halos araw-araw ako nasa antipolo kasi gumagawa ng SSD, tapos nagdodota.
- punta kami greenhills ni rachel para bumili ng mp3 niya
- nagbirthday si larissa sa linden suites kasama ang kissbone at nakagawa kami ng kanta - torches and flames
- nagkaron kami ng gig sa freedom bar kasama ang intolerant, bloodshedd at sucketseven
- DEFENSE SA SSD
- nanuod kami ng kapatid ko ng WWE Smackdown! sa Araneta Coliseum
- pumunta kami ermita ni rachel tapos after 1week sa pioneer naman tapos moa :)
- puro bad memories eh.. lagi ako umuuwi mag isa
- nagbukas ako ng bank account sa BDO
- health awareness month


AUGUST
- patay na si Tita Cory.. rest in peace :(
- nag umpisa ako mag-aral ng advance html at css at photoshop para maayos ang myspace namin at ng ibang banda.
- ginawa ko din ng design sa myspace ang gracenote at gotoxy
- naglinis kami ng mga kanta para sa mga gig na dadating
- busy pa din sa SSD
- registered voter na ako!
- lagi ako late pumapasok ng SSD kasi busy ako sa pagdedesign ng myspace
- buwan ng wika
- lagi ako umuuwi mag isa..


SEPTEMBER
- nagkaron kami ng gig sa Mag:Net Cafe sa The Fort dahil sa manager ng gracenote
- nagpunta ako sa EP launch ng Gracenote at na meet ko si Eunice
- nanuod din kami nila rachel, jhoan at tintin ng sessionista sa greenhills
- nag gala ako mag isa sa quiapo, baclaran at mall of asia.
- DEFENSE SA SSD
- NA STRANDED KAMI NI KENNETH LIM sa pureza/santolan lrt, cubao, ortigas, megamall, shaw, crossing, lifehomes, pasig at rosario dahil sa bagyong ondoy.
- pero pagkatapos ng bagyo ay nag volunteer kami ni peter, kim, ellis, sam, mhira at kuya christian sa ABSCBN sagip kapamilya.
- sasali sana kami sa nescafe soundskool kaso....
- lagi ako umuuwi mag isa..


OCTOBER
- nag volunteer pa din kami ni peter at kuya christian sa sagip kapamilya at pinadala kami sa laguna para mamigay ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyong ondoy at pepeng.
- PASADO KAMI SA SSD! WOOOHOOO!
- nasira na yung double pedals ko :(
- nagkaron kami ng ojt sa philippine center for environmental proctecton and sustainable development, inc. at kasama ko si peter, catherine at jc.
- tutugtog sana kami sa october revolution sa PUP kas nga lang...
- nagkaron ako ng bagong textmate :D :)
- nagkaron ng reunion ang 4-N
- lagi ako umuuwi mag isa...


NOVEMBER
- nagkaron ako ng bagong selpon! napalitan din after 3years. nokia n81.
- gumawa kami bagong kanta kahit wala akong double pedals. :(
- naganap ang GP3 conference sa SMX sa mall of asia, kahit na puyat kami. ok lang kasi madami namang benefits. :) naging tambay kami ng SMX at MOA ng ilang linggo. libre lahat ng company! yeah!
- ginawa ko ang website ng PCEPSDI (http://www.pcepsdi.org.ph) - first time na nalagay ang website ko sa matinong webhost :)
- panalo siyempre si pacman laban kay coto
- patay na si Johnny Delgado.. RIP
- lagi ako umuuwi mag isa..


DECEMBER
- tapos na ang ojt ko :)
http://www.pcepsdi.org.ph
- nakabili ako ng bagong pedal :) - gibraltar 5611db
- nagkaron kami ng batch reunion at christmas party ng Siena College Taytay Batch 2006. pagkataops nito ay nagkaron din ng reunion ang KISSBONE GUILD sa club zen
- nag gala kami ni Rachel sa recto
- outing ng PCEPSDI sa Laguna. swimming at site seeing. :)
- umuwi ang tita, tita at mga pinsan ko galing sa qatar
- samin nag Christmas ang Villanueva Clan
- patay na si The Rev... drummer ng avenged sevenfold.. RIP



LORD SALAMAT PO SA BLESSINGS NOONG 2009, SANA PO AY MADAMI PA MAGANDANG EXPERIENCES NGAYONG 2010 AT MADAMI PA PO SANA ANG MAKILALA KO AT MATULUNGAN KO. :)

GODBLESS!

No comments:

Post a Comment